Von Voyage HRDM12FB1



Masakit aminin ang katotohanang walang permanente sa mundo. Napakahirap tanggapin ang mga bagay na nangyare at nagbigay kulay ng ating buhay. Dumarating talaga sa punto na kung saan ang bawat isa ay kailangan ng harapin ang kanilang sari-sariling buhay,tuparin ang mga pangarap na minimithi at suungin ang mundong kanilang ginagalawan.
Talaga bang ganito ang mundo? Masyadong mapaglaro? Masyadong mapanubok?
Ang sakit para sa bawat isa sa atin na tanggapin ang mga pangyayari na sumubok ng ating katatagan at nagpatibay sa ating mga murang kaisipan sa buhay. Alam nyo na marahil ang bagay na tinutukoy ko, kayo, ikaw at tayo na naging magkakaibigan, magkakaklase, magkakapatid sa iisang lugar na ginawa nating tahanan para tayo matuto ng iba't ibang aspeto ng buhay, ang tahanan na kahit sa maikling panahon ay naging daan para mabuo ang isang samahang ni isa sa atin ay di nag-akala na magiging ganun kalalim at katindi, isang samahang nabuo sa isang tinginan, halakhakan, iyakan, at kung minsan ay kopyahan.
Napakasarap ngang balikan ang mga ala-ala ng ating magandang pinagsamahan, mga araw na tayo'y magkakasama at inuubos ang oras sa pakikisalamuha at pagkilala ng ating mga kaibigan.
Narito na tayo sa punto na kailangan na muna nating tapusin ng panandalian ang ating koneksyon sa isa't isa at maging "concentrate" sa pag-aaral.
Kahit na di na tayo nagkikita-kita sa mga panahon ngayon at sa susunod pang mga ilang taon, asahan ninyong mananatili kau sa puso't isip ko. Ang mga ala-ala ng ating pinagsamahan sa hirap at ginhawa, ay tiyak na magiging lakas kong panghuhugutan sa mga panahong ako'y nalulungkot at kayo'y naaalala.
Minsan nga nagiging "corny" na ako sa pagiging "emotero" ko. Kasi sa tuwing mababalikan ko ang mga bagay na ginawa natin at naranasan ay di ko mapigilang malungkot at maiyak. Siguro ganun talaga ang pakiramdama na malayo sa mga taong naging malaking parte ng buhay.
Ayoko ng isipin ang mga ganitong bagay, kasi mas lalo lang akong pinanghihinaan ng loob. Basta ang alam ko mga kaibigan ko kayo at ganun din kau s pagtanggap nyo sa akin.
Maligayang paglalakbay aking mga kaibigan. Mag-iingat kayo lage at galingan nating lahat para maabot natin ang mga bagay na gusto nating makuha sa buhay. Lagi akong andito sa tabi nyo kahit anung mangyare. walang iwanan aking mga kaibigan.
VON VOYAGE -HRDM12FB1=======DLITTLEBOY

0 Response to "Von Voyage HRDM12FB1"