Ito na ang huling video na magagawa ko kasama ang Hrdm12fb1. Maaring di man ito ganun kaganda, pero ang bawat larawang nakalagay sa video na ito ay pawang mga karanasang talaga namang tumatak na sa isip ng bawat kaklase ko. Tapos na maaari ang panahong makakasama ko sila sa eskwela pero ang memories na naranasan ng bawat isa sa amin ay tiyak na tatatak sa puso't isipan ng bawat isa.
Wala akong sandaling nanghinayang ng makasama ko kayo sa araw-araw na pagpasok ko sa TIP. Bawat araw ng kakulitan, kadramahan, recitations, exams atbp. ay tiyak na napakasarap balik balikan. Kahit magkakalao na ang landas na ating pupuntahan, mananatili pa rin sa alaala ko ang bawat pangyayaring nagpatibay sa aking pagkatao.
I hope na magustuhan ninyo ang huling video na ito para sa inyo. Salamat ng marami sa lahat lahat ng bagay na nagawa ninyo para sa akin at sa buong klase.
Napaka "CORNY" ko ngang tao kasi sobrang umiiyak ako pag naalala ko kayo. Hayaan nyo na yun ung iba nga walang makain eh (anu konek??) Hahay, oras na para harapin natin ang ating mga kanya kanyang buhay.
Basta lagi ninyong tandaan na may isang LITTLEBOY na naging parte ng buhay ninyo. Walang limutan aking mga kaibigan. SALAMAT!!!
0 Response to "TIP Memories - Dlittleboy"
Post a Comment