Bakit Badtrip ang Pagtatapos?


Anong ginagawa ng estudyante sa eskwelahan? Pupunta ng klase. Tapos? Pupunta sa susunod na klase. Tapos? Magtatanghalian. Tapos? Pupunta ulit sa isa pang klase. Tapos? Pupunta sa huling klase. Tapos? Tapos, araw ng pagtatapos.
Graduation. Araw ng pagtatapos. Sino ba ang nagtatapos? Kayo. Ano ba ang natatapos? Kayo rin. Tapos ang maliligayang araw n’yo. Dapat araw ng pagsasaya ang araw na ito, at sigurado akong kahit anong mangyari, kahit ano pa ang sabihin ko ngayon, walang magpapalungkot sa inyo. Kaya naman naghanda ako ng listahan: ang sampung dahilan kung bakit bad trip magtapos. Pagkatapos kong magsalita, tingnan lang natin kung di kayo mag-unahang mag-enrol ulit.

  1. Unang dahilan, pag tapos ka na, wala nang baon. Pakapalan na ng mukha kung manghihingi ka pa ng pera sa mga magulang mo. Dati-rati, nakakakupit ka pa, ’yung sobra sa hiningi mong tuition fee, halimbawa. Pag tapos ka na, ikaw na ang magbabayad para sa koryente, sa tubig, sa renta. Kung may mas bata kang kapatid, ikaw naman ang magbabayad ng tuition fee n’ya. Pag nagkataon, ikaw na ang hihingan ng baon ngayon.
  2. Ikalawang dahilan, pag tapos ka na, wala nang kaibigan. O, sobra naman yata ’yon. Pero aminin na natin, kokonti ang panahong makakapagsama kayo ng barkada mo. Alangan namang sa iisang kompanya kayo lahat pumasok? Liliit na rin ang oportunidad na makakilala ka ng bagong kaibigan. Sa kolehiyo, bawat sem may bago kang nakikilala kasi may bago kang kaklase. Mas mabagal ang prosesong ito sa permanenteng trabaho. Isipin n’yo na lang, pag estudyante pinakanakakaasar ‘yung walang kuwentang group mate. Ang trabaho, para s’yang isang napakahabang group work.
  3. Ikatlong dahilan kung bakit bad trip magtapos, wala nang panahong magbasa. . Isipin n’yo na lang ‘yung mga taga-Eng’g, sa tingin n’yo ba nag-eenjoy sila sa pag-aaral? May kakaibang sarap sa pagbasa ng tula , sa panunuri ng mga larawan, sa pagkatuto ng kung ano ang “Good Morning” sa Aleman, sa pagtatanghal sa teatro, sa pagtatalumpati. Pag tapos ka na, pag nagtatrabaho ka na, pagod na lagi ang utak mo sa pag-uwi. Telebisyon na lang ang pahinga.
  4. Ikaapat na dahilan, wala nang bakasyon pag tag-init. At mas maikling bakasyon sa Pasko. Kawawa naman kayo.
  5. Ikalimang dahilan, wala nang libreng gimik. Maglakad-lakad ka lang may makikita ka nang kasiyahan. E pag tapos ka na, saan ka pupunta? Alangan namang mag-camp out ka sa labas ng Araneta Center?
  6. Ikaanim na dahilan, hindi na p’wedeng umabsent ng anim na beses. Wala nang academic freedom kasi wala ka na sa akademya. Pag tapos ka na, pag nagtatrabaho ka na, umabsent ka ng higit sa tatlong beses, tingnan lang natin kung saan ka pupulutin.
  7. Konektado ito sa ikapitong dahilan, pag tapos ka na, hindi ka na p’wedeng mag-drop. Pag mag-aaral ka pa, at power-tripper ‘yung guro, p’wede kang mag-drop at tapos ang problema. Pag masyadong mabigat ang academic load, p’wede kang mag-drop. Kunin mo na lang sa susunod na semestre ‘yung sabjek. Hindi ‘yan p’wede sa tunay na mundo. Hindi ka p’wedeng mag-drop ng trabaho. Pagkatapos, aaplayan mo na lang paglipas ng ilang buwan.
  8. Ikawalong dahilan kung bakit bad trip magtapos. Pag tapos ka na, hindi ka na p’wedeng magtext sa klase. Pag nababato ka sa trabaho, walang ibang p’wedeng gawin kundi tumuloy sa pagkabato, sa pagtatrabaho. Sa klase magtetext ka para magset ng oras kung kailan kayo magkikita ng mga kaibigan mo. E pag tapos ka na, di ba nga wala nang kaibigan.
  9. Ikasiyam na dahilan, hindi na p’wedeng mangopya. Hindi na p’wedeng ipaxerox ang notebook ng katabi mo. Hindi na p’wedeng sumulyap-sulyap sa papel ng kaibigan mo pag exam. Kasi, wala nang exam. O, araw-araw exam.
  10. Pag tapos ka na, tapos ka na. Ito ang ikasampung dahilan kung bakit bad trip magtapos: hindi na p’wedeng bumalik. Hindi ka na p’wedeng bumalik. Tapos na ang mga araw ng baon, kaibigan, pagbabasa, bakasyon, libreng gimik, pag-aabsent, pagda-drop, pagtetext, pangongopya. Tapos ka na e. Tapos na. Oras na para magsimula.

To HRDM11-12FB1




i wanna say thank you sa lahat ng bagay na ginawa mo para sa akin at sa tropa. bilang 1 kaibigan mo.. gusto kong malaman mo na napakasaya ko at natupad na rin sa wakas ung tanging hiling ko bago ako umalis..masakit man tanggapin ang aking paglisan ngunit ito'y panandalian lamang at makalipas ng ilang taon ay alam kong magkikita kita pa rin naman tayo.. at pag dumating na ang panahong iyon hindi na ko nakasisigurado na kung ako pa ba ang kaibigan nyo.. kasi alam ko na makakakilala pa kayo ng mas hihigit pa sa kakayahan ko,, at sa bagay na nagawa ko.. kahit na mag kagayon natutuwa ako dahil itunuring nyo pa rin akong isang kaibigan.. laki kong pasasalamat dahil ntangap nyo ako bilang ako at hindi kung sino ako.. minsan may mga pagkakataong nakakalimot akong magpasalamat sa inyo sa lahat ng bagay na ginawa ninyo para sa akin pero sa loob ko naguumapaw ang emosyong tanging damdamin lamang ang makapagsasabi..
minsan dumarating sa buhay natin ang pagkakataon na kung saan ay nagkakaroon tau ng di pagkakaunawaan. pero parte un ng pagiging magkaibigan natin.napakabilis nga naman ng panahon at hindi natin napansing kailngan na pa la nating magpaalam sa isa't isa pero kahit magkagon masaya akong naging parte ako ng buhay ko at naging parte na rin kayo ng buhay ko. natanggap ko na wla talagang permante sa mundo. kahit mahirap pinipilit kong kayanin, pinipilit kong maging masaya at ngumiti sa harapan ninyong lahat upang itago ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing lumilipas ang mga araw.napakasaya talagang isipin ang mga bagay na ating napagdaanan kahit na minsan ay puro tau problema nakukuha pa rin nating maging masaya at ngumiti para itago ito. bilang isang estujante napakaraming mga bagay-bagay ang ating kinahaharap at kakaharapin isa na nga rito ang unti- unting pagkaubos ng mga kaklase nating nagpasaya, nagpa-iyak at nag-pakilig ng ating mga damdamin.. tlaga namang napakasaya ng collge life,, kahit pa sinasabi nilang mas masaya daw anmg high school.. pero para sa akin wala ng tatapat sa mga karanasang aking naranasan sa loob ng TIP, salamat at mabuhay ang HRDM11-12FB1--
--dlittleboy

Sina IKAW at AKO...

  • Alam kong alam mo na gustong gusto kitang kausapin.
  • Gusto kitang lapitan, kumustahin at kaibiganin.
  • Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng pader ang naghihiwalay sa ating dalawa kaya napipigilan akong gawin ang mga bagay na dati ko pa gustong gawin.
  • Gusto kong basagin yung pader na yun ng magawa ko na yung mga bagay na yun.
  • Kaya lang, gusto ko sanang humingi ng tulong sayo.
  • Tulungan mo akong basagin ang pader na yun.
  • Kahit gano katagal, kahit gaano kahirap. tulungan mo ako dahil hindi ko kayang mag-isa.
  • Tulungan mo ako ng maging magkaibigan tayo.
  • Simple lang naman ang gusto ko.
  • Gusto kitang maging kaibigan ko, gusto kong maging kaibigan mo.
  • Kung tatanungin mo ako kung bakit, simple lang ang sagot ko.
  • Gusto kong maging kaibigan mo para magkaron ako ng karapatan para pasayahin ka araw-araw.
  • Para magkaron ako ng karapatang punasan ang luha mo sa oras ng lungkot mo, para magkaron ako ng karapatang protektahan ka sa lahat ng bagay na makakasakit sayo.
  • Gusto kong magkaroon ng karapatang masaktan sa oras na nasasaktan ka, yun lang naman ang gusto ko. Kaya sana, tulungan mo ako. hihintayin kita. hihintayin kita kahit gaano pa katagal. sa ngayon, pagsisikapan kong basagin ang pader na naghihiwalay sa ating dalawa ng mag-isa. pero sana sa oras na hindi ko na kaya dumating ka.

Class Picture (1st Semester)

Louie's Video to Justine

This video is the collection of pictures of HRDM11FB1's Pride... Ms. CBE 4th Runner-Up... Ms. Justine Sosa. And through this video Louie show his true feelings for juste.

Our LOGOS!!!

Our School LOGO.
The product that made us win in New Business Idea Exposition which held at the Seminar Room A. Out of almost 50 contenders we won as 6th placer. and aside from that we are just only FRESHIES...
The College of Business Education Day Logo which held on August 13, 2007.
Our company logo for the New Business Idea Exposition.