- Alam kong alam mo na gustong gusto kitang kausapin.
- Gusto kitang lapitan, kumustahin at kaibiganin.
- Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng pader ang naghihiwalay sa ating dalawa kaya napipigilan akong gawin ang mga bagay na dati ko pa gustong gawin.
- Gusto kong basagin yung pader na yun ng magawa ko na yung mga bagay na yun.
- Kaya lang, gusto ko sanang humingi ng tulong sayo.
- Tulungan mo akong basagin ang pader na yun.
- Kahit gano katagal, kahit gaano kahirap. tulungan mo ako dahil hindi ko kayang mag-isa.
- Tulungan mo ako ng maging magkaibigan tayo.
- Simple lang naman ang gusto ko.
- Gusto kitang maging kaibigan ko, gusto kong maging kaibigan mo.
- Kung tatanungin mo ako kung bakit, simple lang ang sagot ko.
- Gusto kong maging kaibigan mo para magkaron ako ng karapatan para pasayahin ka araw-araw.
- Para magkaron ako ng karapatang punasan ang luha mo sa oras ng lungkot mo, para magkaron ako ng karapatang protektahan ka sa lahat ng bagay na makakasakit sayo.
- Gusto kong magkaroon ng karapatang masaktan sa oras na nasasaktan ka, yun lang naman ang gusto ko. Kaya sana, tulungan mo ako. hihintayin kita. hihintayin kita kahit gaano pa katagal. sa ngayon, pagsisikapan kong basagin ang pader na naghihiwalay sa ating dalawa ng mag-isa. pero sana sa oras na hindi ko na kaya dumating ka.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Response to "Sina IKAW at AKO..."
Post a Comment